Mmmmmmm. . . September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Nationalistic!.add a comment
Ah, sa pilipinas, di ganun karami ang matataba di tulad sa amerika. Pero, masasabi natin na mahilig talagang kumain ang mga pinoy. Halata naman dahil sa isang kanto, makikita ang bentahan ng scramble nung mamang hindi pa nagpapatule, sa kabila ay tindahan ng mangga na may libre nang langaw at bagoong at dun naman ay bentahan ng mga laruan na kinakain din ng ilang kabataan ngayon. Hmm. . .pero dahil sa hirap ng buhay kung ano-anong nakakadiring putahe na ang ginagawa natin ngayon. Ito ang ilan:
Adobong peste- kabilang na ang daga, ipis, putakte, ang manugang mo at kuto sa mga pesteng tinutukoy ko. Lahat ng ito ay may rabis maliban sa manugang mo. Masarap ito kung niluto ng tama. Ang rabis ay napaka sarap pag isinawsaw sa kaunting scramble mula sa manong na supot. mmmm. . .
Ang ginataang sitsirya- akala mo ay napaka-sarap. Well, ayos lang. Ito yung kinakain ng ilang tao sa ilalim ng high-way nung panahon ni erap. Sitsirya kasi ang pinamimigay niya sa mga mahihirap nuon na wala namng kasustsutansya. P******** talaga. Hay mabuti pa ang nutribun ni marcos na kahit puro utot ang laman eh at least may carbs.
Pinulutang alaga.-pag narinig mo to, akala mo talaga nagmura ako. Anyway, mejo accepted na sa society ang ganito sa lower class. Madaming alaga ang pwedeng gawing pulutan tulad ng aso, pusa, dagang costa at pati na yata ahas. Nakakabanas ang mga taong gumagawa nito. Parang tao din yta ang hayop. Basta masama yun, sabi sa tv eh.
Paksiw na Monoblock- Ah! Eto ang madalas mong makita. Maraming uri nito sa mga karinderya ng mga ale sa tabi. Eto ung mga pagkaing hindi mo manguya dahil sa tigas at ang sabaw ay lasang plastic. Parang monoblock di ba? ang saya.
Mouse Trap- kapag walang pa-adobo na peste dahil bulok na ang keso na gamit mo at hindi kumagat ang daga o kaya ang iyong manugan, no choice ka. Kainin mo na lang ang mouse trap. Malinamnam ito kung tama ang pagkaluto basta wag kalimutan ang muriatic acid para malambot ang mousetrap.
Nationalistic September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Nationalistic!.add a comment
Ngayong araw lang talaga ako sinipag gumawa ulit ng bagong blog entry. Wala na kasi talaga akong maisip na topic para sa blog. Kaya naman naisip ko na manood na lang ng tv.
4:00 yata nun nung nanood akjo ng tv. Pagbukas ko ng tv, ang tv ay nakalagay sa channel 7, ayos lang since neutral naman ako pagdating sa abs at gma since pareho naman silang gaya-gay sa isa’t isa. Anyway, napanood ko ung Love Truly, well, medyo walang kwenta ang palabas na ito kaya hndi ko rin natagalan. Puro korean pala ang mga andito, kaya pala koreanovela ang tawag dito. May logic din pala kahit papaano. So okay, chineck ko muna ang Math 3 homework ko. Inayos ko yung sulat para naman hindi magalirt si mam orate sa sulat kong parang kinalmot ng doktor at sulat ng manok.?
Sumunod na palabas yung Prince of Tennis. Gawa pala ng mga kalbong hapon ang palabas na ito. Sinubukan kong panoorin ang palabas na ito dahil sa curiosity ko at dahil wala rin kaming cable ngayon. Kahit papaano ay mag-eenjoy ka rin ng kaunti sa palabas na ito. Sana nga lang e magpagupit na ang mga cartoon characters na nandito dahil parang bakla na sila. Pero nakakabilib din dahil kahit anong gawin nila, hindi gumagalaw ang mga buhok nila at kasing tigas ng bato. Siguro ay litro litrong gel at almirol ang ginamit nila para lang dun. Magastos.
Sumunod naman ang BLEACH, ang palabas na ihinango sa bagay na ginagamit panlaba. Pinanood ko rin tong palabas na to. Shit! Nakakabanas ang palabas na ito! Japon kasi ang gumawa. May pagkakapareho din ito dun sa prince of tennis. Katulad ng prince of tennis, para ding bakla ang mga tauhan dito. Mahaba ang buhok pero meron pang dagdag. Nakapalda pa sila! Oo tama. Nakapalda! Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga gumawa ng cartoon na ito. Napansin ko rin na bago sila gumawa ng atake o kaya kahit anong action eh sasabihin muna nila kung ano ito. Laser sword! at kung anu-ano pa. Isipin niyo na lang kung gagayahin yan ng kabataan natin ngayon: Jose, eto na, power punch. Teka, magsusuper jebs muna ako. Super ire! wait. Nag-super labas na! Tsk tsk
Gusto ko na sana ipatay ang tv pero may napanood akong nakakatuwa talaga. Si Captain Safeguard. Ayos! Ang husay ng super hero na ito. Ang pangit nga lang eh naka-brief siya sa labas at ang pangit ng grapiks. Pareho din siya ng mga hapon na nagsasabi ng atake bago ito gawin pero bagong gupit siya. Pero ang pinagkaiba niya sa ibang palabas na nabanggit ko kanina eh gawang pilipino pala ito. Makikita mo na para grade 1 ang gumawa nito eh ayos lang basta gawang pinoy.
Isa pang kailangan nating suportahan ay yung mga drama ng pinoy. Alam kong napaka-ingay ng mga aktres dito at walang talent ang mga lalaking artista. Alam ko din na puro iyakan, patayan at paghulog sa hagdanan ang laman nito pero sana tangkilikin niyo pa rin
Sana’y namulat kayo sa sinabi ko. At pagnagka-cable na ulit kami, bahala na kayong manood ng mga palabas ng pilipino habang nanonood ako spongebob
