jump to navigation

Windows Vista Emo Edition December 15, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Cool, Epal Lang, Pictures and Images.
add a comment

Isa na namang produkto ng boredom ko ngayong pasko. . .Windows Vista Emo (more…)

Surprise November 30, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Cool, Epal Lang.
add a comment

Kapag may Internet na ulit sa bahay. . . Saka ninyo malalaman :D

Sa Wakas! October 14, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.
add a comment

Welcome! Sa wakas magsisimula na! Kung mapapansin niyo eh ang mga recent posts ay galing sa “PutaHENG PINOY, ang nauna kong blog. Well, from now on, dito ko na ilalagay ang posts ko! So, welcome!

Libingan este LIBANGAN September 2, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.
add a comment

 

Hindi naman sa araw-araw eh masaya ka, madalas eh gusot ang balat sa mukha mo talaga kapag bored ka. Ganyan talaga. Nakakabaliw pag ganito at bored na bored ka. At para labanan ang nakakasirang-ulong boredom, eh anjan ang mga libangan natin para samahan tayo at lalo pang bulabugin.

Isang sikat na libangan eh ang pngongolekta ng stamp or selyo. Makukulay at masasarap dilaan ang bawat selyo. Lahat, iba-iba ng lasa at alat. Lalo na yung mga galing sa Marikina na hindi mo malaman kung asin o selyo, pwede nang sawsawan ng hilaw na mangga. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sila kinokolekta. Hindi naman ito Harry Potter books, Pugad Baboy, FHM o kaya naman PutaHENG PINOY book na malapit nang i-release.

Isa pang sikat na libangan ay ang pagkakaroon ng isang alaga o pet. Halos lahat na ng hayop eh ginagawang alaga. Aso, pusa, parrot, maya, philippine eagle, ahas, si cleopatra, daga, unggoy, kabayo, the three stoogies, si jennylyn mercado at baboy ay wait nasabi ko na pla yun, at pati si Snookie Serna, lahat meron yan. Kumpetos Rekados. Para kang may syota pag may alaga ka. May lalambing sayo, may kasama ka, may kausap ka, may tatae sa carpet mo, may dudura sayo, may kakagat sayo. Parang syota talaga.

Isang magandang libangan ang pagbabasa ng mga BAGAY. Kahit saan eh makakakita ka ng pwedeng mabasa. Sa tiange, palengke, talipapa, super market sa underground lair ni batman. Masaya magbasa. Sana nga lang. mga kababayan ko(para cute), eh ang basahin niyo eh yung may halaga para kayo’y tumalino. At ang tanga mo dahil binabasa mo to!

IIlan lamang yan sa mga bagay na pwede nating maging libangan. At kung wala kayong nagustuhan sa mga sinabi ko eh pareho lang tayo. Kung gusto niyong malibang talaga eh pumunta kayo sa factory ng Mongol na namimigay ng libreng lapis na worth five pesos.

Superhero Contest September 2, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.
add a comment

Tententenenenenten! Lahat ng tao eh nagsisigawan habang napa-ihi ang anak ni Pauline Luna  na di marunong umiyak tulad ng ina. At marahil nagulat kayo dahil akal niyo siguro eh single pa si Pauline. Anyway, Naghihiyawan ang lahat, nagbabatuhan, nagtitilian, nagsasabunutan, nagpupukpukan, nagtsitsismisan at nagdidiscuss kung tomboy ba si Ate Gay.

Sa wakas bumukas na ang pundidong ilaw na galing sa kumpanyang firefly. Eto na ang pinakahihintay ng lahat! May nag-trumpet na hindi sumasabay sa iba pang kasama niya at para bang My Way ang tinutugtog. Aba ang galing. Clap clap.

Sa wakas ayan na sila. From the Red Corner, ang mga superhero na kinulangan ng tela pampagawa ng costume, ang Justice League! Aba ang galing naman oh. Nasa harap si superman na ang mata eh mas maliit pa sa kuko niya. Katabi niya si Batman na akala mo ay aso dahil itim lang yata ang alam na kulay kundi itim. Sa isa pang gilid ni Supa Man ay ang bading na si Robin na wala nang ginawa kundi sumipsip kay Batman sa pagaakalang siya ang bida. At sa gilid ay yung iba pang characters na binase na lang sa mga nakikita ni Stan Lee jan sa kanto.

Sumunod na lumabas ang mga ANime, kinakaway ang kanilang este pinapasunod sa hangin ang kanilang mga buhok na exag ang ang itsura. Para bang talo pa ng haba ng buhok nila ang height ni Yao Ming. Kasama sa mga representatives eh si Goku, si Conan at ang coach nilang si Go Kung Wei na ngayon eh may ari ng mall na matindi mag-hidden charges.

At sumunod ang Philippine Team! Si Captain Barbel, Si Darna, Si Lastikman at si Gong Pagong! Aba akalain mong sisipot ang mga ito eh akala ko eh pinalayas na sila ng GMA. Anyway, ayan na sila, si Capt. Barbel payat kasi di mahanap yung barbel, si darna, baduy ang suot kasi may sakit sa BATO. Gong Pagong, haler? Mabagal katulad ng hustisya sa Pinas. <whistle>

Ayan simula na! Umatake si Goku gamit ang mga galaw niyang halatang peke dahil sa animation na kasing peke ng mga pangako sa SONA ni GMA. Sumunod na umatake si Gong Pagong kasama ang mga judge ng pinas na kasing bagal niya. Mas mabilis nga lang sila pagdating sa lagay. At may surpeise! Nakita ni Darna at Wonder woman na magkamukha sila! Galing! Gulat! At nagyakapan sila na kasing-plastik ng plastik at kasing kulay ng buhok ni Dennis Rodman pero di mabaho.

Nagpatayan silang lahat at alam niyo ba kung sino ang natira? Aba hindi niyo aakalain talaga na siya ang chosen one. OMG! Ang negrang lakwatsera! DORA THE EXPLORER! Yehey! Aba kulay lupa kasi kaya di nakita ng kalaban. Pero biglang tumalon si Gong Pagong parang yung mga presyo ng bilihin sa mga talipapa. At ang lahat ng tao ay. . . . . .nagsisigawan pa rin dahil wala naman talaga silang pake sa super heroes.

Kwentong Barbero September 2, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.
add a comment

 

Happy Birthday! Yan ang bati ni Mang Patututsini sa kanto kapag ikaw eh kakaalis lang mula sa airport. Sin0 ba namang di matutuwa sa kalokohan ng mga taong ito Yun bang mga gago na walang magawa pero nakakatuwa.

Ngayon eh walang direksyon ang blog entry na to. Kaya siguro, e ikukuwento ko na lang ang aking road trip! Haha. Para akong eraserheads, mahilig sa roadtrip. Sana nga lang eh hindi ako magkawatak-watak.

Suot sapatos, suot ng brief at nakalimutan ang pwet sa kama. Jan nagsimula ang roadtrip. Mejo mahirap umupo pero ayos lang. Kakatuwa. Nakita ko agad yung negra, si Dora! kasama niya yung galisin niyang unggoy. Ang sarap upakan! Nangati tuloy ako. At tinanong niya pa ako kung ano ang free will. Pake ko ba? GAGO.

Iniwan ko na yung dalawang langhiya at nakita si Voltes V! o Voltes 5? Ano ba talaga? Pero ang nakasakay eh si ERAP! ANg galing! Kaso, bakit si Jamie ang nasa itaas? Pero in fairness, kakatuwa si ERAP sa makulay na papel este stretched clothes.

Iniwan ko na sila dahil nilalabanan pa nila si Daimos at Ultraman. At na-realize ko na wala na akong gas. Na-realize ko din na wala akong kotse, at na-realize ko na halos lahat ng horror movies ngayon eh based sa spirit of the glass at madalas eh nandun si Rica Paralejo.Bwisit. Pagod na ako!

At nakasalubong ko si…………………..Ralph Recto! Sabi niya may bayad daw ang pagdaan dun. P60. Tapos may tax daw. Dahil may dala akong abaccus, ako na nagcompute. 10% ng 60 eh 6, kaya 66 ang binigay ko. Pero, P67.20 daw dapat! Shit! Nagtaas na pla ng tax. Siya nga pla yung super hero na yun. Si Mr. Tax! O Zorro? Ano ba pinagkaiba?

Tapos nakita ko si Lindsay Lohan! Buhay pa pala siya?ang galing.

Na-realize ko na nananaginip lang pla ako. At basa ang shorts ko.Shit! Bakit kamo? Well, binuhusan ako ni Mang patututsini ng methyl orange. Meron bang methyl green o kaya methyl blue? Lordom!

Bakit tinawag na kwentong barbero? Ewan. Tanong niyo sa sumulat. Ulol

Jose Lalim September 2, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.
add a comment

 

Sino si Jose Lalim? Aba ewan ko sa inyo, pero makasisiguro kayong pinoy siya. May counter part siya sa isang pelikulang kano na tungkol sa mga Pirata. Pero mas matapang si Jose Lalim kesa sa kanyang counter part dahil siya, kinakalaban niya ay si BF at ang kanyang lihim na bf. Walang magawa ang dalawang to kundi magaway dahil ang business daw ni Jose Lalim ay sagabal sa sidewalk. Pati si Manong Edu ay kalaban niya at tila wala nang katapusan ang dami ng kaaway ni Jose Lalim.

Pero alam nio ba, na hindi nio alam na alam ko na hindi nio alam ang nalalaman ko? Alam ko kung saan siya matatagpuan. Punta ka ng MRT Quezon Ave. SA daan ay makikita mo ang isang bulag na kumakanta ng mga kanta na kinanta ng kantahero. Sa totoo lang ay wala siyang kaugnayan sa storya. Nagpaspecial mention lang daw. PEro sa hagdan, dun mo siya makikita. Hawak ang DVD ni Spiderman, katabi ang dance video ni regine tolentino na hindi bumebenta. Any way, alam nio ba na ATENISTA si Jose Lalim? OO pero di siya nag-aaral dun. Andun lang ang business nia.

Hay, malas nga lang at ilang beses nang nahuli si Jose Lalim. Mabuti na lang e tanga ang ilang mga gumagawa ng batas at di nila alam ang sikretong epekto no Jose Lalim. Ang galing talaga ni Jose Lalim, mas magaling pa kay Jolina Magdangal na wala nang ibang magawa kundi damitan ang mga askal niyan aso.

Si Jose Lalim daw ay problema sa bayan. Sus, kung gayon e bakit di siya public official aber? Jose Lalim ay ang bayani ng manonood na pinoy at manyak ng mga DVD dahil lagi niya silang pinaparami. Kahit anong sabihin, immortal na sa Pinas si Jose Lalim. At wala na tayong magagawa. Yata. . .