jump to navigation

Nationalistic September 2, 2007

Posted by saturatedcarbohydrate in Nationalistic!.
trackback

Ngayong araw lang talaga ako sinipag gumawa ulit ng bagong blog entry. Wala na kasi talaga akong maisip na topic para sa blog. Kaya naman naisip ko na manood na lang ng tv.

4:00 yata nun nung nanood akjo ng tv. Pagbukas ko ng tv, ang tv ay nakalagay sa channel 7, ayos lang since neutral naman ako pagdating sa abs at gma since pareho naman silang gaya-gay sa isa’t isa. Anyway, napanood ko ung Love Truly, well, medyo walang kwenta ang palabas na ito kaya hndi ko rin natagalan. Puro korean pala ang mga andito, kaya pala koreanovela ang tawag dito. May logic din pala kahit papaano. So okay, chineck ko muna ang Math 3 homework ko. Inayos ko yung sulat para naman hindi magalirt si mam orate sa sulat kong parang kinalmot ng doktor at sulat ng manok.?

Sumunod na palabas yung Prince of Tennis. Gawa pala ng mga kalbong hapon ang palabas na ito. Sinubukan kong panoorin ang palabas na ito dahil sa curiosity ko at dahil wala rin kaming cable ngayon. Kahit papaano ay mag-eenjoy ka rin ng kaunti sa palabas na ito. Sana nga lang e magpagupit na ang mga cartoon characters na nandito dahil parang bakla na sila. Pero nakakabilib din dahil kahit anong gawin nila, hindi gumagalaw ang mga buhok nila at kasing tigas ng bato. Siguro ay litro litrong gel at almirol ang ginamit nila para lang dun. Magastos.

Sumunod naman ang BLEACH, ang palabas na ihinango sa bagay na ginagamit panlaba. Pinanood ko rin tong palabas na to. Shit! Nakakabanas ang palabas na ito! Japon kasi ang gumawa. May pagkakapareho din ito dun sa prince of tennis. Katulad ng prince of tennis, para ding bakla ang mga tauhan dito. Mahaba ang buhok pero meron pang dagdag. Nakapalda pa sila! Oo tama. Nakapalda! Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga gumawa ng cartoon na ito. Napansin ko rin na bago sila gumawa ng atake o kaya kahit anong action eh sasabihin muna nila kung ano ito. Laser sword! at kung anu-ano pa. Isipin niyo na lang kung gagayahin yan ng kabataan natin ngayon: Jose, eto na, power punch. Teka, magsusuper jebs muna ako. Super ire! wait. Nag-super labas na! Tsk tsk

Gusto ko na sana ipatay ang tv pero may napanood akong nakakatuwa talaga. Si Captain Safeguard. Ayos! Ang husay ng super hero na ito. Ang pangit nga lang eh naka-brief siya sa labas at ang pangit ng grapiks. Pareho din siya ng mga hapon na nagsasabi ng atake bago ito gawin pero bagong gupit siya. Pero ang pinagkaiba niya sa ibang palabas na nabanggit ko kanina eh gawang pilipino pala ito. Makikita mo na para grade 1 ang gumawa nito eh ayos lang basta gawang pinoy.

Isa pang kailangan nating suportahan ay yung mga drama ng pinoy. Alam kong napaka-ingay ng mga aktres dito at walang talent ang mga lalaking artista. Alam ko din na puro iyakan, patayan at paghulog sa hagdanan ang laman nito pero sana tangkilikin niyo pa rin

Sana’y namulat kayo sa sinabi ko. At pagnagka-cable na ulit kami, bahala na kayong manood ng mga palabas ng pilipino habang nanonood ako spongebob

Comments»

No comments yet — be the first.