Sharp Shooter September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Patutchada.add a comment
Madaming Sharp Shooter diyan sa kanto at mahirap na hindi mapansin ang mga ito. Nandyan sila, sa kanto, sa Sari-Sari store, sa bubong, sa basketball court at sa billiard table habang humihithit ng Astro Cigarettes. Pero ano ba sila? Saan sila galing? Bakit ko sila nilagay sa blog?
Sharp Shooter eh yung mga bagay na di pumapalya kahit kailan. Yun bang wala na silang ibang ginagawa at halos wala silang social life kaya napaka-monopolized ng actions. Galing!
Isa na dyan ang mga adik sa kalye na sumisinghot ng a. rugby b. marijuana c. shabu. Answer: all of the above! Lahat ng kemikal na maiisip mo na eh hinithit na nila. Mula sa ink hanggang sa Sodium Hydroxide. Walang mintis! Lagi yan, araw-araw!
Isa din ang taga-lista ng “NOISY” sa black board. Meron lang nito saPublic Elementary Schools. May sistema siya sa totoo lang. May singil kapag nalista ka, piso lang naman. At para lumaki ang pera, lalagyan ka niya ng stars! Plus isang piso yun kada isang star. Takot na takot talaga ako sa tagalista. Nauubos ang pera ko lagi dahil sa kanya. At aaw-araw andyan siya. Lahat nakalista sa blackboard, kahit mga tao sa kabilang room. Pati adviser namin, Noisy!
Ang mahiwagang “bilao” ng Cafeteria ay isa ding sharp shooter. Araw-araw eh nandyan sa room nio kada 9:00 ng umaga at 3:00 ng hapon. May dalawang vendor na naglalandian habang nagbebenta. At ang bilao, kumpletong kumpleto! May matamis na maanghang na dilis, cornick na kasing kunat ng wrinkles ni Elizabeth Oropesa, ensaymada na ang margarine ay 1 buwan na, kropek na kulay cocoa, spaghetti na nakalagay sa plastic, puto na masarap gawing panyo at pichi-pichi na mura pero kahit kailan eh laging panis! Sayang nga lang eh wala nito sa mga Private schools, public lang. Sayang!
Madaming Sharp Shooter diyan sa kanto at mahirap na hindi mapansin ang mga ito. Nandyan sila, sa kanto, sa Sari-Sari store, sa bubong, sa basketball court at sa billiard table habang humihithit ng Astro Cigarettes. Pero ano ba sila? Saan sila galing? Bakit ko sila nilagay sa blog?
Sharp Shooter eh yung mga bagay na di pumapalya kahit kailan. Yun bang wala na silang ibang ginagawa at halos wala silang social life kaya napaka-monopolized ng actions. Galing!
Isa na dyan ang mga adik sa kalye na sumisinghot ng a. rugby b. marijuana c. shabu. Answer: all of the above! Lahat ng kemikal na maiisip mo na eh hinithit na nila. Mula sa ink hanggang sa Sodium Hydroxide. Walang mintis! Lagi yan, araw-araw!
Isa din ang taga-lista ng “NOISY” sa black board. Meron lang nito saPublic Elementary Schools. May sistema siya sa totoo lang. May singil kapag nalista ka, piso lang naman. At para lumaki ang pera, lalagyan ka niya ng stars! Plus isang piso yun kada isang star. Takot na takot talaga ako sa tagalista. Nauubos ang pera ko lagi dahil sa kanya. At aaw-araw andyan siya. Lahat nakalista sa blackboard, kahit mga tao sa kabilang room. Pati adviser namin, Noisy!
Ang mahiwagang “bilao” ng Cafeteria ay isa ding sharp shooter. Araw-araw eh nandyan sa room nio kada 9:00 ng umaga at 3:00 ng hapon. May dalawang vendor na naglalandian habang nagbebenta. At ang bilao, kumpletong kumpleto! May matamis na maanghang na dilis, cornick na kasing kunat ng wrinkles ni Elizabeth Oropesa, ensaymada na ang margarine ay 1 buwan na, kropek na kulay cocoa, spaghetti na nakalagay sa plastic, puto na masarap gawing panyo at pichi-pichi na mura pero kahit kailan eh laging panis! Sayang nga lang eh wala nito sa mga Private schools, public lang. Sayang!
At isa pa ay ang yaya mo! Walang palya. Lagi siyang may dahilan para pagalitan ka! Para bang ang mga yaya eh gumawa ng libro ng mga dahilan na pinagpasapasahan nilang lahat. Sa lahat ng yayang naranasan ko eh pare-pareho ng dahilan. Walang palya!
Kaya wag nang labanan, wala ka ng magagawa. Lahat ng mga ito eh hindi papalya. Bili na!!!
At isa pa ay ang yaya mo! Walang palya. Lagi siyang may dahilan para pagalitan ka! Para bang ang mga yaya eh gumawa ng libro ng mga dahilan na pinagpasapasahan nilang lahat. Sa lahat ng yayang naranasan ko eh pare-pareho ng dahilan. Walang palya!
Kaya wag nang labanan, wala ka ng magagawa. Lahat ng mga ito eh hindi papalya. Bili na!!!
Jokes Galore September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Jokes.add a comment
Ewan ko kung tama ang spelling nung galore pero eto na. Mahirap gumawa ng joke. Seryoso. Lalo na kung hindi natural sa’yo. At madaming iba’t-ibang uri ng jokes. At tuturuan ko kayo!
Physical Comedy- Dali lang yan. Magpadulas ka, magpalo ng dyaryo sa ulo, solve na. Nakakatawa ka na. . . .para sa mga sanggol hanggang 2 years old. Paglagpas nun eh maituturing ka ng gago.
Word jokes. Yung mga tipong Q: Ano ang tawag sa madaming ISda? A:Edi AREda. Minsan nakakatawa, madalas, nakakabanas. Dali lang gumawa nito. Just visit, htpp. . .hppt. . . htpp::?. . .ah basta yung blog ni bryan aquino!
Pilipino jokes: Yung mga jokes na may isang pilipino. Tapos may kasama siyang dalawa pang iba ang balat. Madali lang to. Ang gawin mo lang, sa dulo eh palabasin mong tanga yung pinoy. Ayun joke na yun
ERAP jokes- Lagay mo si ERAP sa isang sitwasyon. Tapos, Maglagay ka ng 2 pang presidente na kapareho niya na tanga din. Tapos sa dulo, lalabas na tanga si ERAP> CHing! Instant joke!
Green jokes- Apply your personal experiences *ehem*
Handbook Para Sa’yo! September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Public Service.add a comment
Mahirap talaga kapag kunwari ay pupunta ka sa ibang bansa. Mahirap makipagusap dahil hindi lahat ay marunong magtagalog! Madaming pwedeng mangyari kapag di ka matalino. Kaya naman tutulungan kitang matuto ng ibang mga salita sa loob lamang ng 3 minuto.
Punta tayo sa Espanyol. Ito ang ilan sa mga bagay na kailangan mong matutunan:
1. Fish Ala El Nino- Isa yang uri ng isda na tinatawag nating “tuyo”
2. Keso Ala Bembol Roco- Isang uri ng cheese na tinatawag nating keso de bola
3. El animalia San Lazaro- Kabayo lang yan pre! Pustahan?
4. Sal Daheno- Doon
Punta naman tayo sa Chinese:
1. Cho Ta Nyi Chak- Yung kabayo na pawis din.
2. Ban Tai- yung aso mo, aso ko, aso ng mga pinoy!
3. Chan Ju Dai- puno nang bilbil kahit mag-fitrum.
4. Sy-Ney-Ma- Yung pinipirata ng mga chino
Sa Amerikano:
1. Change- unog ng bell yan
2.Hair- dito
3.Guide- lalaki o maton
4. Business- pugad ng mga bubuyog
At di mo rin magagamit ang mga salitang ito kung nasa pinas ka lang. Kaya nga ayon sa kanta ng DTI, “Tara na, Layas tayo! Nang ating makita ang ganda ng ibang bayan! Ang galing na eroplano! May usok sa tibet, mga adik sa U.S., pirata diyan sa china at chinatown at mga exaggerated na bigote sa espanya.” Pero bago yan, kailangan mo ng “air line” o kaya naman basta may eroplano! Putcha. Eto ang sukatan ng isang magandang eroplano:
Dapat ay puti- Puti dapat ang eroplano dahil siguradong babagsak yan kung hindi. Tignan mo yung presidente natin, ayaw magputi. Yan tuloy bumagsak este bumabagsak pa lang pala.
Dapat ay may pakpak- Halos lahat ng nakitang kong eroplano eh pag bumagsak eh walang pakpak. Kaya mahalaga ang pakpak!
Dapat ay may mani- Sa loob ng eroplano ay dapat ay laging may mani. Para enjoy.
Dapat may life jacket-bakit kamo? Para meron kang salbabida kapag bumagsak na yung eroplano. Swimming din yun. Sayang naman kung di mo maeenjoy di ba?
At huli, dapat may laptop ka, na nakakadetect ng wifi. Para habang nasa eroplano ka eh nababasa mo tong blog na to at masuka ka sa sobrang kakornihan ng post na to. Kapag sumuka ka eh kumpleto na ang trip mo. Pwede ka nang mag-crash at mamatay. Kung di naman eh magenjoy ka sana sa bansang pupuntahan mo.
Happy Trip!
Serbisyong Totoo September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Public Service.add a comment
Isang beses eh wala akong magawa, kunukutkot ko yung paltos nung aso namin tapos pinapakain dun sa piano na ayaw tumunog ng maganda. Ang init! grabe. Kaya naman tuwang tuwa ako nung dumilim at gabi na. Nakinig ako ng radyo na color pula na kapag tinignan mo eh akala mo fire truck. Aba ang narinig ko eh isang lalaking nagsasalita na nagpapacute kausap pa ang babaeng ngumangawa.
Nagbibigay pala siya ng advice. Yun pala yun. Ang galing. Kaya naman pinakinggan ko. At may iba-iba akong advice sa bawat isa sa kanila dahil sa tingin ko eh walang utak yung host na nagpapacute.
Problema: Namatayan ng aso
Host: Move on and think he’s in a better place
Advice ko: Kumuha ka ng mighty bond tapos pagdikit-dikitin mo ulit yung aso tapos lagyan mo ng sstrings. Gawin mong puppet. Kikita ka pa.
Problema: Iniwan ng boyfriend
Host: Move on ulit
Advice ko: Kuha ka ulit ng mighty bond tapos idikit mo cia sayo. Di ka niya iiwan.
Problema: “I will move to another house.”
Host: Move on nga
Advice ko: Sama mo yung dati mong bahay sa paglipat niyo tapos kuha ka ulit ng mighty bond tapos dikit mo sa bago niyong bahay di ba?
Problema: Hindi ako marunong sumayaw
Host: Move on parang si Billy Crawford.
Advice ko: Kuha ka ng mighty bond tapos kuha ka ng mga kuto. Dikit mo sa balat mo. Tapos yun, sa kati eh mapapasayaw ka talaga.
Problema: Naadik ako sa gatas.
Host: Moo-v on (sabay natawa yung host sa sarili niyang joke kahit napaka-corny naman.)
Advice ko: Pumunta ka sa radio station at patayin mo yung host at pagdiktin yung eyelids niya gamit yung mighty bond.
At nung kinaumagahan eh tumawag ang lawyer ko tungkol du sa libel case ko. Tapos may nagsabi sakin na nagdudugo yung paa niya, kaya sabi ko kulayan niya ng brown para mukhang chocolate. Tapos nun may nagdeliver ng isang kahong ng mighty bond. Sabi niya: “Sir, ang tindi ng problema ko”. Sabi ko: “Nasa kamay mo ang solusyon.”
Alam niyo ba kung paano ginagawa ang coke in cans? September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Theories.add a comment
Marahil halos lahat kayo eh nakatikim na ng coke in cans. At mas masarap naman talaga kapag galing sa machine, yung malaki na kulay pula. Ano ulit tawag dun? Basta maglalagay ka lang ng bante. Hihigupin niya at dudura siya ng coke in cans. At dati eh hindi ko alam kung paano to nangyayari. Mabuti na lang eh nandyan ang mga barbero sa Capital A para linawin sa akin. At bilang isang responsableng mamamayan ay tungkulin kong ibahagi ito sa inyo(sus joke lang. bored lang talaga ako.)
Una siyempre ay magsusubo ka ng 20 sa machine. Hihigupin ito. Alam niyo kung bakit? Meron kasing vacuum dun. Kulay blue daw sabi nila pero sabi nung iba polka dots. Pagkatapos eh kukunin na ito ni Victor Wood na operator nito. Di nakakagulat ng nagkasya siya dun. Sa payat ba naman eh. Taos ngnguyain niya to at may kasamang laway o salia. Kaya naman may bubbles yung coke. Akala niyo carbon dioxide noh?
Tapos nun eh puti pa rin yung durog na papel at laway. Kaya naman eh hahaluan ito ng tae ni Pareng Victor para black. Bakit kamo? Para cool. So kumpleto na ang coke kaso wala pang lalagyan di ba? Isa pa yang mahabang proseso.
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit puting puti na ang labi ng mga adik jan sa kanto? Kinuha kasi ng Coke yung red na kulay nung labi nila tapos ilalagay sa Lata. Ang saya noh? Para bang may hinahalikan ka na bawat inom mo. At yung lata? Aba madali lang. Tanggalin lang yung kulay ng Pepsi na lata. Tapos palitan mo. Ayun!
At madali na! Ilagay na lang ang tinahiang laway na pera sa lata na puno ng labi coloring. Pero alam niyo kung paano nagiging pabilog yung ilalaim? Iuntog niya lang sa ulo ni Bembol Rocco. Tapos! Finnished Product! COKE!
At kung mali man ang teorya ko, walang pinagkaiba. Ganun pa rin ang epekto. Di ba? Masarap pa rin, matamis at nakak-diabetes!
Libingan este LIBANGAN September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.add a comment
Hindi naman sa araw-araw eh masaya ka, madalas eh gusot ang balat sa mukha mo talaga kapag bored ka. Ganyan talaga. Nakakabaliw pag ganito at bored na bored ka. At para labanan ang nakakasirang-ulong boredom, eh anjan ang mga libangan natin para samahan tayo at lalo pang bulabugin.
Isang sikat na libangan eh ang pngongolekta ng stamp or selyo. Makukulay at masasarap dilaan ang bawat selyo. Lahat, iba-iba ng lasa at alat. Lalo na yung mga galing sa Marikina na hindi mo malaman kung asin o selyo, pwede nang sawsawan ng hilaw na mangga. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sila kinokolekta. Hindi naman ito Harry Potter books, Pugad Baboy, FHM o kaya naman PutaHENG PINOY book na malapit nang i-release.
Isa pang sikat na libangan ay ang pagkakaroon ng isang alaga o pet. Halos lahat na ng hayop eh ginagawang alaga. Aso, pusa, parrot, maya, philippine eagle, ahas, si cleopatra, daga, unggoy, kabayo, the three stoogies, si jennylyn mercado at baboy ay wait nasabi ko na pla yun, at pati si Snookie Serna, lahat meron yan. Kumpetos Rekados. Para kang may syota pag may alaga ka. May lalambing sayo, may kasama ka, may kausap ka, may tatae sa carpet mo, may dudura sayo, may kakagat sayo. Parang syota talaga.
Isang magandang libangan ang pagbabasa ng mga BAGAY. Kahit saan eh makakakita ka ng pwedeng mabasa. Sa tiange, palengke, talipapa, super market sa underground lair ni batman. Masaya magbasa. Sana nga lang. mga kababayan ko(para cute), eh ang basahin niyo eh yung may halaga para kayo’y tumalino. At ang tanga mo dahil binabasa mo to!
IIlan lamang yan sa mga bagay na pwede nating maging libangan. At kung wala kayong nagustuhan sa mga sinabi ko eh pareho lang tayo. Kung gusto niyong malibang talaga eh pumunta kayo sa factory ng Mongol na namimigay ng libreng lapis na worth five pesos.
Balitang Balita September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Public Service.1 comment so far
Mabentang mabenta ang newspaper kahit umuulan o umaaraw, mainit o malamig, mabaho mabango at mahaba man o supot. At halos lahat ng tao eh nagbabasa nito. Kumpletos rekados. Yung headlines pwedeng pamalit sa mge news shows pag 6 ng gabi na ang mga news anchors eh puro pimple este isa lang pla. Ang feature news, pwedeng pamalit sa mga magasin, pugad baboy ng inquirer, pamalit sa babol gang at ang obituwaryo, pamalit sa Philippine Ghost Stories.
Nakakatuwa din dahil makakabili ka nito sa murang halaga. P20 meron ka nang summary ng kung anu-anung mga bagay. Meron pang libreng amoy ang papel na gamit nila na kaamoy ni Juday pagkatapos lypo este mag-exersays.
Anjan ang Manila Bulletin, Inquirer, at Philippine Star na pagkakapal-kapal ng mga dyaryo. P20 lang talaga at nakatuwa pwede mong basahin habang nasa MRT, nasa sidewalk o kaya naman pag nasa SONA dahil bored ka na.
Kung di mo afford ang ganitong uri ng newspaper, e anjan ang tabloid. Halos pareho lang naman eh. P6 lang. Kasama na ang mga number nung mga naghahanap ng textmate. Kaso, Mas maliit, at ang mga suot ng mga babaeng nasa harap ng tabloid eh kasing liit nung tabloid. Dito ka lang makakakita ng mga headline na “Bata, naging sidekick ni batman”, “Ale, 3 na ang mata!” o kaya “Taulava, tuli na!” o mas matindi eh “Gumawa ng PutaHENG PINOY, hinuli!”.
Enjoy din basahin ang dyaryo. Madaming mapagpipilian. Madaming kwento. At magandang toilet paper kapag nag-CR ka sa pink na cubicle ng MMDA
Superhero Contest September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.add a comment
Tententenenenenten! Lahat ng tao eh nagsisigawan habang napa-ihi ang anak ni Pauline Luna na di marunong umiyak tulad ng ina. At marahil nagulat kayo dahil akal niyo siguro eh single pa si Pauline. Anyway, Naghihiyawan ang lahat, nagbabatuhan, nagtitilian, nagsasabunutan, nagpupukpukan, nagtsitsismisan at nagdidiscuss kung tomboy ba si Ate Gay.
Sa wakas bumukas na ang pundidong ilaw na galing sa kumpanyang firefly. Eto na ang pinakahihintay ng lahat! May nag-trumpet na hindi sumasabay sa iba pang kasama niya at para bang My Way ang tinutugtog. Aba ang galing. Clap clap.
Sa wakas ayan na sila. From the Red Corner, ang mga superhero na kinulangan ng tela pampagawa ng costume, ang Justice League! Aba ang galing naman oh. Nasa harap si superman na ang mata eh mas maliit pa sa kuko niya. Katabi niya si Batman na akala mo ay aso dahil itim lang yata ang alam na kulay kundi itim. Sa isa pang gilid ni Supa Man ay ang bading na si Robin na wala nang ginawa kundi sumipsip kay Batman sa pagaakalang siya ang bida. At sa gilid ay yung iba pang characters na binase na lang sa mga nakikita ni Stan Lee jan sa kanto.
Sumunod na lumabas ang mga ANime, kinakaway ang kanilang este pinapasunod sa hangin ang kanilang mga buhok na exag ang ang itsura. Para bang talo pa ng haba ng buhok nila ang height ni Yao Ming. Kasama sa mga representatives eh si Goku, si Conan at ang coach nilang si Go Kung Wei na ngayon eh may ari ng mall na matindi mag-hidden charges.
At sumunod ang Philippine Team! Si Captain Barbel, Si Darna, Si Lastikman at si Gong Pagong! Aba akalain mong sisipot ang mga ito eh akala ko eh pinalayas na sila ng GMA. Anyway, ayan na sila, si Capt. Barbel payat kasi di mahanap yung barbel, si darna, baduy ang suot kasi may sakit sa BATO. Gong Pagong, haler? Mabagal katulad ng hustisya sa Pinas. <whistle>
Ayan simula na! Umatake si Goku gamit ang mga galaw niyang halatang peke dahil sa animation na kasing peke ng mga pangako sa SONA ni GMA. Sumunod na umatake si Gong Pagong kasama ang mga judge ng pinas na kasing bagal niya. Mas mabilis nga lang sila pagdating sa lagay. At may surpeise! Nakita ni Darna at Wonder woman na magkamukha sila! Galing! Gulat! At nagyakapan sila na kasing-plastik ng plastik at kasing kulay ng buhok ni Dennis Rodman pero di mabaho.
Nagpatayan silang lahat at alam niyo ba kung sino ang natira? Aba hindi niyo aakalain talaga na siya ang chosen one. OMG! Ang negrang lakwatsera! DORA THE EXPLORER! Yehey! Aba kulay lupa kasi kaya di nakita ng kalaban. Pero biglang tumalon si Gong Pagong parang yung mga presyo ng bilihin sa mga talipapa. At ang lahat ng tao ay. . . . . .nagsisigawan pa rin dahil wala naman talaga silang pake sa super heroes.
Kwentong Barbero September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Epal Lang.add a comment
Happy Birthday! Yan ang bati ni Mang Patututsini sa kanto kapag ikaw eh kakaalis lang mula sa airport. Sin0 ba namang di matutuwa sa kalokohan ng mga taong ito Yun bang mga gago na walang magawa pero nakakatuwa.
Ngayon eh walang direksyon ang blog entry na to. Kaya siguro, e ikukuwento ko na lang ang aking road trip! Haha. Para akong eraserheads, mahilig sa roadtrip. Sana nga lang eh hindi ako magkawatak-watak.
Suot sapatos, suot ng brief at nakalimutan ang pwet sa kama. Jan nagsimula ang roadtrip. Mejo mahirap umupo pero ayos lang. Kakatuwa. Nakita ko agad yung negra, si Dora! kasama niya yung galisin niyang unggoy. Ang sarap upakan! Nangati tuloy ako. At tinanong niya pa ako kung ano ang free will. Pake ko ba? GAGO.
Iniwan ko na yung dalawang langhiya at nakita si Voltes V! o Voltes 5? Ano ba talaga? Pero ang nakasakay eh si ERAP! ANg galing! Kaso, bakit si Jamie ang nasa itaas? Pero in fairness, kakatuwa si ERAP sa makulay na papel este stretched clothes.
Iniwan ko na sila dahil nilalabanan pa nila si Daimos at Ultraman. At na-realize ko na wala na akong gas. Na-realize ko din na wala akong kotse, at na-realize ko na halos lahat ng horror movies ngayon eh based sa spirit of the glass at madalas eh nandun si Rica Paralejo.Bwisit. Pagod na ako!
At nakasalubong ko si…………………..Ralph Recto! Sabi niya may bayad daw ang pagdaan dun. P60. Tapos may tax daw. Dahil may dala akong abaccus, ako na nagcompute. 10% ng 60 eh 6, kaya 66 ang binigay ko. Pero, P67.20 daw dapat! Shit! Nagtaas na pla ng tax. Siya nga pla yung super hero na yun. Si Mr. Tax! O Zorro? Ano ba pinagkaiba?
Tapos nakita ko si Lindsay Lohan! Buhay pa pala siya?ang galing.
Na-realize ko na nananaginip lang pla ako. At basa ang shorts ko.Shit! Bakit kamo? Well, binuhusan ako ni Mang patututsini ng methyl orange. Meron bang methyl green o kaya methyl blue? Lordom!
Bakit tinawag na kwentong barbero? Ewan. Tanong niyo sa sumulat. Ulol
Basura Contest September 2, 2007
Posted by saturatedcarbohydrate in Patutchada, Public Service.add a comment
Sino ba naman ang taong hindi nagutom? Halos lahat naman ng tao eh nagugutom maliban sa mga adik jan sa kanto dahil sa nag-shrink na ang mga bituka ng mga yan. At ang problemang ito ay mas matindi pa sa lip sync problem ng Eat Bulaga. Pero salamat sa gutom ng mga pinoy, nagkaron tuloy ng contest. At katulad ng lahat ng contest, ang pwede lang makasali ay ang madaming pera.
Unang una si ERAP. Sino ba naman ang makakalimot sa pagkagaling-galing presidenteng to? Biruin niyo,bumida siya sa mahigit isang daang erap jokes sa selpon? Anyway, alam nio ba kung ano ang sulosyon nia sa gutom? Edi chichirya! Ngeh! Parang joke noh? Pero totoo. Para bang sinabi mong hindi humihithit si Pepe Smith. Ano kaya iniisip ng gagong to? Gutom ka, tapos lagyan daw ba ng inflated na patatas ang tiyan? shit.
Susunod na si GMA. Hay eto siguro mas maayos ng konti sa sitsirya. Imbis na sitsirya eh bibigyan ka niya ng. . .(insert crapy drumroll here). . .bigas! Ang mahiwagang bigas. Stable food nga daw ng mga asyano. Pero dahil na rin sa hilig sa sabong ni First gentleman eh ayun. Ang pinamimigay nila eh ang bigas na panuka sa ibon! Shit! Gawin daw bang kalapati ang mga pinoy? Hindi sila katulad ni Keana Reaves wala nang ibang alam gawin ay tumuka.
SI Cory! Ang ina ng EDSA. Sulosyaon sa gutom: noodles. Hay kung sabagay eh mura nga naman parang yunng mga bulok na bilihin sa divisoria na nabulok dahil sa hinawakan na ni madam auring na kahit kelan ay di naghuhugas ng kamay. Kaso, ano makukuha mo dito? wala di ba? parang mga pentel pen sa tondo.
At ang pinaka magaling sa lahat: Si Marcos! Pagkagaling ng kanyang. . .NUTRIBUN! Sa mga di nakakaalam, ang nutri bun ay yung damulag na tinapay na pinamimigay noong marcos period pa. Kahit na puro utot ang laman nito eh nakabubusog pa rin. Para bang yung mga child star, walang talent na kung ano pa man pero ang daming natutuwa sa kanila. Mabuti na to kaysa sa panuka ni gloria, hinanginang patatas ni erap o kaya naman eh ang noodles na may vetsin ni cory.
Sige kailangan ko pa tulungan si Vic Sotto sa lip sync nia mamaya. Kailangan daw eh maganda ang boses niya. . .
